|
 Our beloved town of Licab, Nueva Ecija suffered a major blow due to the floods caused about by the recent typhoon Pepeng which hit the entire Central and Northern Luzon this October 2009. Municipal officials estimate that about 90% of our town's agricultural products are damaged, while more than 3,000 houses were submerged in deep water for at least three days in various barangays. Because of this, our Municipal Mayor, together with our Municipal Disaster Coordinating Council, is appealing for any help that we can extend for the immediate rehabilitation of our town, specifically our townsmen's livelihood resources. Below is a transcript of the letter from our Municipal Mayor Willy Domingo: ------------------------------ Isang apela sa mga kababayan sa buong mundo:
Sa loob ng limang dekada, muling naranasan ng mga taga-Licab ang malalim na pagbaha. Limang dam ang nagpakawala ng tubig sa kasagsagan ng Bagyong Pepeng, 500 metro kuwadrado ang pinakawalan sa bawat 1 segundo na naging sanhi ng mas malalim na baha sa bayang ito. Bagama’t sanay na sa ganitong pagbaha ang mga naninirahan dito. Hindi magiging madali ang pagbangon sapagkat ayon sa tala ng Pambayang Pananakahan ay umabot sa 80% ng total harvested area ang nasalanata o 17 Million ang halaga ng pagkalugi sa palay na pangunahing pananim ang idinulot ng bahang ito. Upang mabawasan ang kagutuman, minarapat ng inyong lingkod na makipag-ugnayan sa NFA upang magsupply ng bigas sa ating bayan. Nang sa gayon ay makabili ang mga may pambili. Ngunit paano naman ang iba na umaasa lamang sa pagsasaka? Ang calamity fund ng ating bayan ay 1 Milyon lamang at paubos na sapagkat marami na ang nagdaang kalamidad sa taong ito. Sa kasalukuyan ay nagpupulong sa pangunguna ng inyong lingkod ang Municipal Disaster Coordinating Council upang bumuo ng mga hakbang para sa rehabilitation sa bayan ng Licab. Ang aking mungkahi ay ang pagtatanim ng mga gulay sa lahat ng bakuran upang may makain. Ang inyong lingkod ay ginagawa ang lahat ng makakaya upang matulungan ang ating mga kababayan. Sa pagkakataong ito, sinuman pong nais magbahagi ng anumang tulong upang makaahong muli ang ating mga kababayan ay mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lingkod o sa website na ito. Contact Nos: Mayor Willy S. Domingo 0917-811-5978, Admin Ariel J. Antonio (0063-927-443-8880), Sec. Raffy Borjal 0063-928-769-2350, Malou Calma (0063-921-507-9900). Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Panginoon. Para sa mga mamamayan ng Licab, WILFREDO S. DOMINGO Punong Bayan ------------------------------ The Municipal government would like to acknowledge in advance whatever help that we can give (whether in cash, or in kind) for our town in this time of need. Above all, let us implore the guidance of our Almighty God, and may it be that He shall encourage our people and help our beloved town of Licab to rise up once more from this temporary inconvenience. Bangon, Licab! ------------------------------ Click here to view the pictures of Licab during the flood |