|
Articles
|
Written by Guest Blogger: Alvin Gino Bautista
|
|
Tuesday, 27 October 2009 03:39 |
|
Di kaiba sa halos lahat ng bayan ng Pilipinas, makulay ang paggunita ng bayan ng Licab sa Araw ng mga Patay.  Maganda ang tanawin sa aming barangay tuwing araw ng mga patay, madalas kasi ay nasisiuwian ang mga kababaryo ko na nagtatrabaho sa malalayong lugar. Sa araw na iyon, maraming tao ang naglipana sa kalsada na animo’y isang fiesta, karamihan sa kanila ay may dalang kandila, bulaklak, niyog, malagkit na bigas, matamis sa bao, kudkuran, o kaya naman ay kamoteng kahoy na gagamitin sa pag-gawa ng sari-saring puto at kakanin. Ilang araw na lang, heksayted na akong makita muli ang mga ganitong mga eksena… Tandang-tanda ko noong nasa elementarya ako, tuwing undas maghapon kami sa sementeryo, pilit na inuubos ang sandamakmak na kandilang binili ni mama sa palengke, mura pa kasi ang kandila noon. Ako din ang taga-ipon ng mga luha nito, binibilog ko ito ng mas malaki pa sa itlog ko upang gamitin sa aming pangangaluluwa kinagabihan… Kadalasa’y maaliwalas ang gabi tuwing undas,noon kasing panahon namin wala pang mga street lights sa aming lugar kaya mamamangha kang makita ang mga tila mumunting apoy na hawak ng mga tulad kong bata noon. Grupo-grupo kami, bawat bahay tinatapatan, sabay-sabay umaawit ng kantang ito: kaluluwa kaming dakma isang manok na mataba isisilid sa balanga tuloy tuloy sa bunganga palimos nga poooo…. May isa pang version ang kantang iyan pero mahaba kaya iyan ang madalas gamitin… Pera ang madalas kapalit ng awiting iyan, kung medyo kapos ay maari na din ang puto o kaya ay suman, hindi uso noon ang “patawad po” kaya lahat ng mga bata laging masaya, laging pinananabikan ang gabi ng undas. Pero ngayon, nakakalungkot kasi hindi na ganoon kaaktivo ang mga bata sa ganitong mga panahon. dahil kaya yon sa mga drama sa TV na kanilang sinusubaybayan? O baka naman dahil ayaw na din silang palabasin ng mga magulang nila tuwing gabi? pwedi din sigurong mas gusto na nila ang nagkalat ng videoke sa amin kaya mas mabuting yun na lang ang paglibangan. Pero siguro malaki ang kinalaman ng Global Economic Crisis dahil puro patawad na ang sinisigaw ng mga tao. O baka naman hindi na sila tinuturuan ng mga guro nila sa musika kung paano ang tamang pagkanta, kami kasi Oktubre pa lang ay itinuturo na iyan, pero ngayon kahit yata mga teachers e hindi na din yan alam. nakakalungkot noh! Tingin ko, malaki na ang nagiging tapyas ng ating tradisyon, natatakot akong ito’y mawala o kaya ay malimuutan na ng mga susunod na henerasyon. Sana naman turuan ulit ng mga teachers ang mga bata ng tamang pagkanta, alam ko malaki ang maitutulong noon upang maengganyo sila at muling manumbalik ang saya sa gabi ng undas. Siguro kung magiging kapitan ako ng barangay namen, ako mismo ang makikiusap sa principal sa paaralan namen na ituro muli ito sa mga kabataan. Hindi ko sinisisi ang nagmamadaling modernisasyon sa ganitong aspeto, pero kung kailangan pala natin itong yakapin ay maaring kaakibat nito ang unti-unting paghina ng ating mga tradisyon. Ang bilis nga nitong kinain ang lahat, parang Fast Car ni Tracy Chapman. Ayokong dumating ang panahon na may mga batang kakatok sa pintuan namin, tapos pag bukas ko ay sabay-sabay silang sisigaw ng “trick or treat” tapos naka japan japan ang mga kamay. nakow, for sure paghahahampasin ko sila ng baseball bat. -------------------- Si Alvin Gino Bautista ay tubong Sta. Maria, Licab, Nueva Ecija. Basahin ang iba pa niyang mga artikulo sa kanyang blog na About A Living Stain.
|
|
Last Updated on Tuesday, 27 October 2009 03:50 |
|
|
Written by Guest Blogger: Alvin Gino Bautista
|
|
Wednesday, 29 July 2009 06:43 |
|
Likas na masiste ang Pinoy. At kaakibat ng pagiging masiste at makuwento, ay ang pagiging mapagmasid sa mga bagay-bagay na nakikita niya sa kanyang paligid. Katunayan, maging sa gitna ng kabukiran sa maliit na bayan ng Licab, paniguradong mayroong mga nakakatuwa at nakakatawang bagay tayong mapapansin. ____________________ Bakit kaya ginawang insecticide si Jolina? Dahil kaya ang mga insekto ay fan din niya kaya takot sila dito? Sa palagay kaya ng mga nakaisip nito ay mas patok kung Jolina talaga ang maging pangalan ng insecticide? Hindi kaya mas magiging matapang kung Gladys Reyes, Cherry Hill, Bella Flores o Paquito Diaz? Aba, sa mga pangalang iyan, sigurado sabog ang lahat ng peste sa pananim! O baka naman may kakaibang dalang awit ang mapanghalinang pangalan ni Jolina na syang maghahatid ng maraming bunga at masaganang ani sa lahat ng pananim. Natawa lang ako dahil si Jolina na pala ang Reyna ng Pamatay Peste.“Jolina-Maalaga sa Tanim, Mataray sa Peste” ____________________ (Si Alvin Gino Bautista ay tubong Sta. Maria, Licab, Nueva Ecija. Basahin ang iba pa niyang mga kwento sa About A Living Stain)
|
|
Last Updated on Wednesday, 29 July 2009 06:52 |
|
Written by Joy Konstantine G. Agustin
|
|
Thursday, 23 July 2009 02:08 |
|
May lumang kasabihan sa bayan ng Licab na laging sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga anak. "Edukasyon lang ang pwede naming ipamana sa iyo. Iyan ang kayamanang hinding hindi kayang nakawin ng sinuman sa iyo, kaya mag-aral kang mabuti". Levi's Jeans Galing ako sa isang 5th class municipality, sa Licab, kung saan masasabing hindi naman ganoon ka progresibo ang buhay.
Pagka-graduate ng elementary, medyo nagkaroon ako ng culture shock nang tumira at mag-aral ako sa University Science High School sa Muñoz. Mas sosyal ang mga tao.
Mas maangas.
Tanda ko pa nung 1st day ng klase, merong isang maangas na lalakeng alam kong inaasar asar ako, siguro dahil ika nga eh, mukhang promdi . Hindi ko masyadong marinig yung pinagbubulungan nila, pero alam kong ako ang pinagtatawanan nila kasi tingin sila ng tingin sa akin.
Ni hindi ko man lang naisip na yung lalakeng maangas na iyon ang magiging best buddy ko apat na taong inilagi ko sa Science High.
**********  Friday ang schedule ng PE. Sabi nung prof., dapat naka PE uniform kami at syempre, naka Rubber Shoes pagdating ng alas-kwatro. Alas-kwatro, sinabihan na kaming lumabas sa school grounds para sa 1st PE activity- Long Jump. Ang problema, ayokong lumabas ng classroom dahil hiyang-hiya ako sa suot kong Mighty Kid na sapatos. Kung bakit ba naman kasi nauso pa ang Nike, Converse at Reebok na suot-suot ng mga kaklase ko. Kaya noong nagkaroon ako ng Airmax na 2nd hand galing sa pinsan kong tiga-US, eh tuwang tuwa talaga ako. Parang gusto ko, araw-araw, PE. **********
Naulit ang problema ko pagdating ng 3rd year- PMT o yung Preparatory Military Training. Dapat kasi, pag sinabing Type C uniform, ang suot ng mga kadete eh White T-shirt na naka tuck-in sa Maong Pants.
Noon naman, usung-uso na sa aming mga high school ang mga branded na maong pants. Jag para sa mga sosyal. Levi's para sa mga mas sosyal. Live's para sa iba.
Kabilang ako doon sa iba.
********** May mga nabibiling immitation brands na maong sa palengke ng Licab. Mayroon pa ngang talagang parehong-pareho ng Jag. Ang kaso mo, ipinagpipilitan sa akin nung tinderang hanggang ngayon eh hindi ko makalimutan ang mukha, na ang bilhin ko eh iyong Jag na pang babae ang burda. Dahil iyon daw ang orig at mas bago.
Bandang huli, nag-settle kami ng Nanay ko sa Live's na immitation naman ng Levi's. Hindi naman halatang immitation, basta huwag mo lang lalapitan at bubusisiing mabuti yung nakasulat na LIVE'S sa etiketa.
|
|
Read more...
|
|
|
Written by Joy Konstantine G. Agustin
|
|
Wednesday, 15 July 2009 08:54 |
|
Inabot ko pa iyong mga panahon na uso ang pagpapalipad ng saranggola sa bukid. Maliban sa talaga namang nakakalibang ang pagpapalipad ng saranggola, popular ito sa Licab dahil hindi naman ganoon kahirap humanap ng mga materyales para gawin ang saranggola (o ang burador). Patpat, plastic/papel de hapon, at pisi lang ang kailangan mo at makakagawa ka na ng saranggola. Kapag nagawa na'y kani-kanya nang paraan para paliparin ang saranggola sa himpapawid. At habang ang bawat isa ay nakatingalang humahanga sa malayang paglipad ng saranggola, sino nga ba ang makakapagsabi kung may isa o dalawa palang may nakukuhang aral sa pagpapalipad nito? ------------------------------ 2010 "Sigurado ka bang tatakbo ka sa Mayo?", tanong ni Tiyo Berto sa kanya.
"Opo", marahan niyang tugon, "matagal kong pinag-isipan, at desidido na ako alang-alang sa mga kababayan nating humihimok sa akin para tumakbo".
"Eh, paano baga? Dalawang bigating pulitiko yang babanggain mo, at pareho pang naka-partido. Si Mayor Dizon eh, panigurado nang may mga hawak na tao yan. Si Atty. Baltazar, mayaman at maimpluwensiya. Paano ka sasabay sa kanila? Atsaka sinong partido ang kukupkop sa'yo?".
"Suporta ho ng mga tao ang pinanghahawakan ko", ani Juan Dela Cruz. "Alam kong kung sa yaman at impluwensiya eh wala akong pangtapat sa kanila. Pero sa tingin ko ho eh tama ang mga kababayan natin. Kailangan na ng pagbabago, kailangan nang may tumayo para subukang harapin ang mga dating lider na wala namang nagawa sa bayan. At hindi ko ho kailangan ng partido para gawin yan. Mag-i-indipendiente ho ako".
"Diyos ko, ikaw bata ka", alalang sabi ni Tiyo Berto, "eh yaman din lang at napagdesisyunan mo na eh, alangan namang hindi ka namin suportahan. Nandiyan na 'yan. Eh, sige, gawin natin ang magagawa natin".
At pumutok na ang balita sa buong bayan.
Tatlo ang maglalaban sa pagka-alkalde sa bayan ng San Felipe!
Malakas ang kumpiyansa ng kasalukuyang Mayor Arnulfo Dizon na siya pa rin ang iboboto ng taongbayan. Kung kailangang idaan sa dahas at pananakot ay gagawin niya, bagay na ginagawa na ng angkan niya, sa loob ng ilang taong paghahari sa bayan.
Tiwala naman si Atty. Ramon Baltazar na siya ngayon ang mananalo. Ilang taon ding sinikap niyang magkaroon ng kung sinu-sinong koneksiyon, kadalasa'y mga maimpluwensiyang taong nabigyan niya ng pabor sa mga kasong kinakaharap ng mga ito. At kung sa yaman at impluwensiya rin lamang, kaya niyang tapatan si Mayor Dizon.
Sa isang banda'y tila isang nuisance o panggulong kandidato lang si Juan Dela Cruz. Oo nga't nakatapos siya ng kursong agrikultural sa pampublikong unibersidad ngunit saan siya kukuha ng perang gagamitin sa pangangampanya, gayong ang tanging suweldong nakukuha niya sa pagtulong sa mga magsasaka ay pakilo-kilong aning palay lang?
Sa kanilang bayang San Felipe, mababa ang tsansang umunlad silang mga mahihirap dahil ang tanging yumayaman ay iyong dati nang mayayaman.
Ngunit dahil na rin sa udyok ng mga magsasakang nakakausap niya sa kanyang paglilibot sa mga bara-barangay, natagpuan ni Juan ang sarili na tumayo at maghangad ng pagbabago para sa bayan. Sa panahon na kailangan ng San Felipe ang isang mabuting lider, ipinasya niyang tanggapin ang hamon at sumabak sa larangang hindi siya bihasa.
Makulay, masaya ang kampanya.
Paroo't parito ang mga sasakyang nag-iingay sa kalsada, "Iboto si Mayor Dizon!!! Matapang na Lider!!!!
Samantalang ang mga poste at pader ay napuno ng bigotilyong mukha ni Atty. Baltazar, Hangad ang Kalayaan laban sa nakaupo!!!
Habang doon sa mga bukirin, sa mga barangay, at sa mga sitiong baku-bako ang kalsada ay tahimik na nagbabahay-bahay si Juan Dela Cruz gamit ang lumang bisikleta.
At dumating ang isa sa mga importanteng parte ng kampanya- ang paghaharap ng mga kandidato sa iisang entablado para sa pagpapahayag ng kanilang mga plataporma-de-gobyerno. Imbitado ang lahat na makinig at dumalo, alas siyete ng gabi sa liwasang-bayan ng San Felipe, saksi ang inaalikabok na rebulto ni Gat Jose Rizal.
Matapos ang pagsasayaw ng mga kabataang masiglang umindak sa saliw ng kantang Umbrella at Spaghetti Pababa, inumpisahan na ang talumpati.
Nagsimula ang tunggalian sa tanong ng host: "Sa anong bagay mo ihahalintulad ang iyong pamamahala kung ikaw ang magiging Mayor ng San Felipe?".
Bilang incumbent, ay naunang nagsalita si Mayor Dizon. Matapos ang pagpalakpak ng tatlumpung bodyguard na sinabayan pa ng pagsirit ng kuwitis sa kalangitan, sinimulan ni Mayor ang talumpati:
Katulad ng mahigit dalawampung taong paghahari, este, pamamalakad ng aming pamilya sa bayang ito, muli kong ipatutupad ang aking pamamalakad gamit ang Kamay na Bakal! Dahil alam kong kailangang maging matapang at matatag ang isang lider upang labanan ang mga taong gustong mag-aklas laban sa administrasyon ko!!!
At muling nagpalakpakan ang tatlumpung bodyguards habang nangakangisi.
Nagsimula ang talumpati ni Atty. Baltazar sa pagbanggit sa mga taong kakilala at kaibigan- si Dr. Ganito na nabigyan niya ng tulong, si Mr. Ganyan na natulungan niyang lumusot sa kaso, at kung sinu-sino pa, sabay baling sa host ng programa at sinabing,
"Ano nga ba ang tanong?"
Matapos maalala ang tanong ay sinimula na niya ang litanya.
Lalabanan ko ang kamay na bakal ng kasalukuyang administrasyon! Ang aking pamamahala ay ihahalintulad ko sa isang Puting Kalapati na malayang lumilipad sa kalawakan! Babawasan natin ang mga batas, bagkus ay hahayaan nating magkaroon ng kalayaan ang bawat tao na abutin ang kanyang mga naisin sa bayang ito!
At habang sinasabi niya ito ay naglalaro sa isip ni Atty. Baltazar ang mga yamang masasamsam mula sa mga mahihirap na magsasaka.
Sumunod na tumayo sa harap ng madla si Juan Dela Cruz, tangan ang isang Munting Saranggola.
"Ang inyo po bang gustong sabihin ay ihahalintulad ninyo ang pamamahala ninyo sa isang laruang saranggola?", patawang sabi ng host ng programa, na sinundan ng mapanlibak na tawa ni Mayor Dizon, at ng matunog na halakhak ng mga bodyguards, at ang patuyang tingin ni Atty. Baltazar.
"Opo", marahan ngunit matatag na sabi ni Juan Dela Cruz na ikinatahimik ng buong madla.
Hindi po dahas ang kailangan ng bayan upang umunlad, sapagkat napatunayan na nating ang mariing pagsiil sa kapakanan ng mamamayan ay hindi kailanman naging susi upang kanilang maabot ang minimithing kaunlaran. Gayundin ay ang pagbibigay naman sa mga mamamayan ng maalwang kalayaan ay hindi rin naman makabubuti sapagkat maaari silang masadlak sa maling gawain.
Ihinahalintulad ko ang pamamahala ng bayan sa pagpapalipad ng saranggola sa kalangitan. Kailangan mong bigyan ng kaunting kalayaan ang katawan nito sa pamamagitan ng paglarga ng pisi upang patuloy itong tumaas at sumayaw-sayaw sa hangin. Ngunit kailangan mo ring ituon ang iyong isip sa paghawak sa natitirang pisi sa iyong kamay upang hindi ito tuluyang kumawala sa hangin. Kailangan ding gamitin ang iyong kamay upang gabayan ang saranggola kung saan ito tutungo upang maiwasang sumabit ito sa mga puno sa paligid.
Gayundin naman ang bayan at ang mga mamamayan. Bigyan sila ng kalayaang gawin at tuparin ang kanilang mga pangarap. Ibigay sa kanila ang yaman na dapat ay para sa kanila. Ngunit kaakibat nito ay itatag at ipatupad ang mga batas ng bayan upang maiwasan ang kaguluhan at mapanatili ang kaayusan ng komunidad.
Matapos ang talumpati ay tahimik ang madla. Hanggang sa isang miron ang sumigaw, "Mabuhay si Juan Dela Cruz!!!!"
Tapos na ang botohan, tapos na ang bilangan.
"Kailangan nating magdiwang dahil nanalo ka, nanalo ang taongbayan", masayang sabi ni Tiyo Berto, habang nakapalibot sa kanila ang ilang magsasakang tumulong sa kampanya. "Paano ba ang gusto mong selebrasyon?"
Masayang tumugon si Juan Dela Cruz, "Magsasalu-salo tayo sa gitnang bukid. Imbitado ang lahat, ipagdiriwang natin ang pagkapanalo ng bayan".
"At oo nga pala, magpapalipad tayo ng saranggola". (Orihinal itong naipaskil sa : Siyetehan)
|
|
Last Updated on Wednesday, 15 July 2009 09:05 |
|
Written by Joy Konstantine G. Agustin
|
|
Wednesday, 24 June 2009 03:28 |
|
My wife and I are first-time parents of our beloved daughter meg. Knowing that she'd be born April, we took about 6 months earlier to discuss how we can raise up the would-be payment for Hospital Bills, Doctor's professional fees, not to mention our baby's personal needs (diapers, milk, clothes, crib, etc.).
Our doctor estimated the costs to be at least 40,000 for normal delivery and at least 80,000 for caesarian.
It just occured to me that really, marriage and child-bearing is no laughing matter and entails a lot of responsibilities. Financially, as one aspect. That's why entering into such kind of responsibilities require that you are financially able to raise up your own funds, and not depend on your parents' aid.
There is, an alternative, though, however, this method may not be very popular in the current times.
When I was a child, my aunt, who was a rural health midwife in Licab (later on she became Midwife Supervisor in Nueva Ecija), was the go-to-gal whenever there is someone who is about to give birth. People will call her in the wee hours of the night to fetch her and proceed to where the woman is staying.
One time when I was about five years old, she brought us together with my two older brothers in one of her assignments- a woman is about to give birth and she happened to be the owner of one of those sari-sari stores nearby our house.
The operation was successful, and after the usual proceedings, the head of the household presented us with a merienda. Slices of pan americano (tasty bread) lay in front of us, together with an opened can of "Reno Liver Spread". Must I not say that it was the first time I tasted the thing. We, brothers, must have enjoyed it because we finished off with the slices, prompting our host to say,
"Gusto niyo pa?"
|
|
Last Updated on Wednesday, 24 June 2009 04:02 |
|
Read more...
|
|
|
|
|
|
|
Page 1 of 2 |
|