Dekada Sisenta Kasama Ang Barkada PDF Print E-mail
Written by Guest Blogger: Ding Gatmaitan   
Monday, 11 May 2009 07:39
Article Index
Dekada Sisenta Kasama Ang Barkada
Next Page
All Pages

 

Tambayan

Naalala kong bigla ang Circa 1966.

At ang Kalederetang doggy.

Alam nyo, ang pinaka exciting sa pagluluto ng doggy eh ang paghuli sa aso kasi hindi naman nabibili sa tindahan yan, at usually, yung ibinibigay na doggy eh yung nangangagat!!!

Kaya ang pagsilo ang pinaka-enjoy. Andiyan na yung masabit ka sa barb wire, madapa, mapitik ng sanga, at maghabulan sa pitak ng bukid. At kung swerte ka, eh makakagat ka pa!

Matapos mahuli, eh magja-jak en poy kayo kung sino ang babarog. Pagkatapos eh sisilaban ang aso sa ginikan at kikiskisin ng walis tingting na ginamit sa banyo. Habang sinisilaban eh sige na kayo sa paghiwa sa balat, sawsaw sa suka at sili, at presto! May kalpukan na maski may dugo pa.

Nagtataka nga ako at wala naman nagkasakit sa amin.

Pero sa totoo lang, mga 1966, 3rd yr high school ako, naninilo lang kami ng doggy sa lansangan, ang matatabang doggy ay nandoon sa bangbangkag. Hehehe.

Hindii puwede manilo sa hulo, kasi kay Antong puko na lahat ang doggy doon (utol ni Ado). Hindi rin pwede sa luwasan, dahil ikaw naman ang babangagin doon.

Ang tagayan namin noon ay sa likod ni Gudiang, yung present police station ngayon. May malaking puno ng acacia doon (buhay pa yata ang puno hanggang ngayon).

Alam ninyo ngayon ko lang natanto- The reason pala kaya nakatalaksan ang cases of beer noon, ay kasi, yung buong konsumo ninyo for the night eh bibilhin nyo na, Kasi after 5pm, sarado na lahat ang tindahan. The same with ice, bili na kayo ng isang bloke kay Karia, lagay lahat sa balde, minsan kasama pa ang ipa!

Diyan ko rin nalaman, lagyan mo ng plastic ng sigarilyo ang balde para mawala ang bula.

Diyan ko rin nalaman paano mandaya sa inom! Kasi isang baso lang ang pangtagay. Pag marami kayo, dalawang baso, counter-ikot yung isa. However, pag naubusan ng yelo, kain ka na ng Halls candy para malamig ang beer.

Kalderetang doggy- our national food. ang cook namin nuon ay si Bongbong Carlos na anak ni sarding.

Ang motto namin: "'Di baleng sumuka, wag lang uuwi".

====================

Narito ang recipe ng malinamnam na Kalderetang Doggy.  Lutong Licab, para sa mga Tiga-Licab!

1. Pakuluin ang karne sa luya at asin hanggang lumambot. 
2. Igisa mo ang pinalambot na karne sa purico o star margarine, achuete, bawang, sibuyas, kamatis, paminta, toyo, laurel, bell pepper, at red sili (labuyo). kailangan marami sili para matagal maubos!  Magdagdag ng broth, patatas, carrots, giniling na inihaw na atay, biscocho.
3. lagyan ng gata hanggang maglapot.(nuon mahirap ang gata, darigold ang nilalagay namin)

Perfect na pulutan sa harapanan, pwede ring pang-ulam!

====================

 

Comments
Add New
otiram1219  - Napakasarap Gunitain ang Nakaraan   |65.101.41.xxx |2009-08-06 02:16:12
Dahil sa kwento mo,napakasarap talagang gunitain a ng nakaraang ala-ala ng barka
dahan sa Licab. Dati noong panahon ng kwento mo halos lahat ng tao sa l icab ay
magkaka-kilala halos,halos lahat nga eh ma gkakamaganak pag nagtuntunan.Pag mat
anda na pala t ayo,at iniwan ang bayan ng licab,tayong mga origin al ang hindi n
a makikilala ng mga taga licab. Ang dami ng nagsulputan mga kabataan,ang nakaka
tuwa an g gagaling ng mga kabataan ngayon na taga licab. I 'm very proud of them
.Ngayon ang dami ng mga nagta pos mga Dr. Atty, Nurse,Engg., Cpa. Keep up the go
od work mga kabataan ng licab. Dapat ang maisip na man ng mayayaman nating kaba
bayan ang mag tayo ng scholarship para mapagaral ang mga kapos,pero mata talino
ng bata. Noong araw ang inisip mo na lang ay kung papaano makakaalis sa bayan n
g licab,dahil a ng pakiramdam mo walang pagasang umasenso sa licab . Binabati ko
rin ang magandang pamamalakad ng ati ng Bagong May...
Buenaventura V Zafiro, Jr.   |71.131.18.xxx |2009-09-14 19:09:10
Willie, napakaganda ang mga proyecto mo.
Wala ng m akakagaya sa ipinapakita mong
pagmamahal sa ating bayan.

MORE POWER TO YOU
Anonymous   |203.215.124.xxx |2009-10-11 04:16:25
.............speachless...............
h anep sa galing.......
emien   |222.127.194.xxx |2010-04-02 21:27:46
hwag natin kalimutan chito caraang vice mayor
ave   |122.55.107.xxx |2010-06-20 23:23:59
sana lahat masaya at tumitingin sa bukas ng may pa g-asa kasama ang pananampalat
aya sa Dios na kasama ntin Siya sa mlahat na ating pikikipag baka sa un os na d
ala ng agos ng buhay!
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
UBBCode:
[b] [i] [u] [url] [quote] [code] [img] 
 
 
:D:):(:0:shock::confused:8):lol::x:P:oops::cry:
:evil::twisted::roll::wink::!::?::idea::arrow:
 
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Last Updated on Monday, 01 June 2009 03:24