|
------------------------------ This article was written and sent by Dr. Reynaldo Quilon, trainor of the American Language Course at the Bahrain Defense Force. He also teaches at the AMA International University-Bahrain as a graduate professor. As an Overseas Contract Worker, Rey describes a way on how he is able to manage his longingness from his family and loved ones while he is away as an OFW in Bahrain. May this simple article remind us to remember our loved ones who triumph over their situations even while they are away from us. ------------------------------ It always starts with a smile, a handshake, or thru common interests. Para sa ating mga malayo sa minamahal at nagtatrabaho dito sa ibang bansa, kung minsan ay dinadalaw tayo ng lungkot at pangungulila sa ating mga kaanak at minamahal sa buhay. Subalit nandiyan sila, ang ating mga kaibigan- to cheer you up when you’re down.
Minsan lang hindi naman nila arok kung ano ang lalim ng iyong nararamdaman. It’s because, ikaw lang ang nakakaramdam ng sariling kaakuhan. Sa bawat tao, may kani-kanya tayong pangangailangan, sariling kakanyahan, sariling kaalaman, mga pangarap, pangungulila,at pangangasam. Iyon ang mga bagay na hindi pwedeng pakialaman, usyusohin, eksperimentuhin, o isalang sa isang "microscope "para bigyan ng pansin ang bawat angulo upang mabigyan ng tamang kasagutan. May saya ka na hindi kasing lalim ng saya ng iba, o lungkot na hindi kasinglungkot ng iba. Ang bawat pandama mo ay iba sa intensidad ng pandama ng ibang tao. Kaya nga minsan nagagalit tayo sa iba, kasi parang hindi niya maintindihan kung ano ang iyong nararamdaman. Mapalad ang iba na nakakadama kung ano ang ang iyong nararamdaman. Sa ganito lamang umuusbong ang malalim na palitan ng damdamin. Sa ganito lamang makikita kung sino ang tunay na kaibigan. Sa ganito lamang magiging matiwasay ang bawat hiningang hinuhugot sa kailalliman ng pumipintig na puso.
|